Monday, July 18, 2016

Ang aking mga Natanaw



Dito sa bohol dito natin makikita ang mga magagandang tanawin katulad ng mga chocolate hills na isang napakagandang tanawin, ang mga bundok na pa dugtong dugtong nito natin makikita kung gaano kaganda ang mga chocolate hills kasabay na mga masisimoy na hangin dito para kang nasa ibang bansa pag nakatanaw ka dito.


Ang puno at halaman dito ay parang isang paradise na napakagandang tanawin at katulad ng mga ilog o di kaya ay falls pag nakaligo ka dito malalaman mo kung gaano talaga ka lamig ang tubig nito masarap talaga maligo dito.

At may isang maliliit na gubat kung saan naroroon ang mga tarsier, yung una mong tingnan nakakatakot pero maganda talaga ang mga tanawin dto at katulad kapag nakasakay kana ng zipline makikita mo lahat ang mga tanawin dito.

Masasarap ding ang kanilang mga pagkain katulad ng Calamay lalo nat may pandesal at ssasabayan mo ng Calamay, at masarap din maligo dito sa Bohol dahil malinis ang mga dalampasigan dito at fresh na fresh ang mga alon ng mga dagat dito lalo na't pag malapit na ang gabi masarap dito lalo na't kasama mo ang mga pamilya mong nag babakasyon dito.


Friday, July 15, 2016

Lugar na Hinding-hindi mo Makakalimutan


       Itong lugar na ito ay tinaguriang isa sa tourist spot ng ating bansa. Lahat ng tao'y nagkandarapang pumunta dito, hindi lamang sa Luzon, Visayas at Mindanao kundi ang labas din ng bansa. Kung gusto mong pumunta dito, dapat may pera ka para sa transportasyon, atbp. Oo nga't malaki-laki ang perang magagamit mo. PERO! hinding-hindi ka talaga magsisisi kung bakit dito mo napiliang pumunta. Isa sa atraksyon nito ay ang "White Sand" na hindi mo makikita sa ibang beach resort. Hindi nila ito ginamitan ng ano-anong kemikal para pumuti, natural lamang ito. Kaya nga ay nabighani ang lahat ng tao sa loob at labas ng bansa.

           Ang boracay ay matatagpuan sa Malay, Aklan. Kung ikaw ay pupunta dito, dapat ay naka-book ka na ng flight at dapat ay alam mo na kung anong bangka ang sasakyan. Kagaya namin na plinano na lahat bago pumunta, kasi kung hindi, mastre-stress ka talaga sa kakatanong kung ano ang sasakyan papunta doon. Kase kapag pupunta ka doon, hindi mo agad-agad
makikita ang  Boracay kundi may


sasakyan ka pa gaya ng SUV papuntang pier at bangka papuntang pier ng Boracay at SUV na naman patungong Boracay. Hindi gaanong kahirap ang pagpunta sa Boracay basta may plano ka na. May iba ngang dayuhan na nagsabi na hindi na talaga sila babalik sa Boracay dahil daw
napakalayo nito sa airport at di nila alam ano ang sasakyan patungo doon, pero ang totoo talaga ay wala silang plinano o hindi sila naka-book nga mga transportasyon papunta doon. Kaya kung gusto mong pumunta doon, magplano ka muna.

 
 Noong nakarating na talaga namin ang Boracay ay talagang nabighani kami sa ganda nito. Talagang masasabi namin na tunay ngang atrkasyon ito sa bansa at ipinagmamalaki talaga namin na nakapunta na kami dito. Ang Boracay pala ay by station, station 1 to 3, kung sa station 1 ka, ang mga resort doon ay mahal pero worth it naman. Pero engrande din naman ang Station 2 at 3. Kadalasan, ang mga resorts doon ay may sariling swimming pool at restaurants.
 Doon talaga sila sa tapat ng beach nakatayo para minuto-minuto kung gusto naming mag-swimming ay ilang hakbang lang, makikita na ang dagat na talagang ang may pinakamalinaw na tubig. 

    


 Hindi kagaya ng ibang beach resorts, ang Boracay ay may iba't ibang mga gawain, kagaya ng Island Hopping, Surfing, Banana Boat, Jetski, Helmet Diving at  Parasailing. Mas mae-enjoy mo talaga ang mga araw mo sa Boracay kung gagawin mo ang isa sa mga yan. Noong kami'y nandito pinili namin ang parasailing, Natakot talaga kami noong una pero nung nakasakay na kami dito, talagang nae-enjoy namin lalo na noong nasa itaas kami, makikita talaga kung gaano kalaki ang Boracay at gaano kaganda at kalinaw ang dagat. Ang isa rin sa nagpapaganda sa Boracay ay kahit na naka two-piece o swimming trunks ka lang habang naglalakad, kumakain o bumibili ng souvenirs, hindi ka nila mamalisyahin o mamanyakin, masasabi mo talagang napakabait ng mga tao sa Boracay.



Kaya magsimula na kayong mag-ipon kung ito ang 'next stop' nyo sa inyong summer vacation. Kagaya ng mga sinabi ko, hinding-hindi talaga kayo magsisisi kung bakit ito ang napili nyong puntahan. Kahit na mas may maganda pa kaysa dito, subukan nyo munang pumunta dito para malaman nyo mismo kung gaano kaganda ang lugar na ito. Mas maganda kapag pupunta ka dito kasama ang iyong pamilya, mahal sa buhay o ang buong angkan mo para mae-enjoy mo ng todo ang pagbabaksyon mo dito, sabi pa nga "The more the merrier." Pero konting tip lang, wag mo sanayin ang iyong sarili dito, baka ayaw mo nang umuwi.