
Itong lugar na ito ay tinaguriang isa sa
tourist spot ng ating
bansa. Lahat ng tao'y nagkandarapang pumunta dito, hindi lamang sa Luzon,
Visayas at Mindanao kundi ang labas din ng bansa. Kung gusto mong
pumunta dito, dapat may pera ka para sa transportasyon, atbp. Oo nga't
malaki-laki ang perang magagamit mo. PERO! hinding-hindi ka talaga
magsisisi kung bakit dito mo napiliang pumunta. Isa sa atraksyon nito ay
ang
"White Sand" na hindi mo makikita sa ibang beach resort. Hindi nila ito ginamitan ng ano-anong kemikal para pumuti,
natural lamang ito. Kaya nga ay nabighani ang lahat ng tao sa loob at labas ng bansa.
Ang boracay ay matatagpuan sa Malay, Aklan. Kung ikaw ay pupunta dito, dapat ay naka-
book ka na ng
flight at dapat ay alam mo na kung anong bangka ang sasakyan. Kagaya namin na plinano na lahat bago pumunta, kasi kung hindi, mastre-
stress ka talaga sa kakatanong kung ano ang sasakyan papunta doon. Kase kapag pupunta ka doon, hindi mo agad-agad
makikita ang
Boracay kundi may
sasakyan ka pa gaya ng
SUV papuntang pier at bangka papuntang pier ng
Boracay at
SUV na naman patungong
Boracay. Hindi gaanong kahirap ang pagpunta sa
Boracay basta may plano ka na. May iba ngang dayuhan na nagsabi na hindi na talaga sila babalik sa
Boracay
dahil daw
napakalayo nito sa airport at di nila alam ano ang sasakyan
patungo doon, pero ang totoo talaga ay wala silang plinano o hindi sila
naka
-book nga mga transportasyon papunta doon. Kaya kung gusto mong pumunta doon, magplano ka muna.
Noong nakarating na talaga namin ang
Boracay ay talagang nabighani kami sa ganda nito. Talagang masasabi namin na tunay ngang atrkasyon ito sa bansa at ipinagmamalaki talaga namin na nakapunta na kami dito. Ang
Boracay pala ay
by station, station 1 to 3, kung sa
station 1 ka, ang mga resort doon ay mahal pero
worth it naman. Pero engrande din naman ang
Station 2 at
3. Kadalasan, ang mga resorts doon ay may sariling
swimming pool at
restaurants.
Doon talaga sila sa tapat ng
beach nakatayo para minuto-minuto kung gusto naming mag-
swimming ay ilang hakbang lang, makikita na ang dagat na talagang ang may pinakamalinaw na tubig.
Hindi kagaya ng ibang
beach resorts, ang
Boracay ay may iba't ibang mga gawain, kagaya ng
Island Hopping, Surfing, Banana Boat, Jetski, Helmet Diving at
Parasailing. Mas mae-
enjoy mo talaga ang mga araw mo sa
Boracay kung gagawin mo ang isa sa mga yan. Noong kami'y nandito pinili namin ang
parasailing, Natakot talaga kami noong una pero nung nakasakay na kami dito, talagang nae-
enjoy namin lalo na noong nasa itaas kami, makikita talaga kung gaano kalaki ang
Boracay at gaano kaganda at kalinaw ang dagat. Ang isa rin sa nagpapaganda sa
Boracay ay kahit na naka
two-piece o
swimming trunks ka lang habang naglalakad, kumakain o bumibili ng souvenirs, hindi ka nila mamalisyahin o mamanyakin, masasabi mo talagang napakabait ng mga tao sa
Boracay.

Kaya magsimula na kayong mag-ipon kung ito ang
'next stop' nyo sa inyong
summer vacation. Kagaya ng mga sinabi ko, hinding-hindi talaga kayo magsisisi kung bakit ito ang napili nyong puntahan. Kahit na mas may maganda pa kaysa dito, subukan nyo munang pumunta dito para malaman nyo mismo kung gaano kaganda ang lugar na ito. Mas maganda kapag pupunta ka dito kasama ang iyong pamilya, mahal sa buhay o ang buong angkan mo para mae-
enjoy mo ng todo ang pagbabaksyon mo dito, sabi pa nga
"The more the merrier." Pero
konting
tip lang, wag mo sanayin ang iyong sarili dito, baka ayaw mo nang umuwi.